Wednesday, March 16, 2011

Boy Meets Girl



Boy: Hoy! bata bakit mo nilalaro yang kanal.
Girl: Di ako nag lalaro sa kanal nang huhuli ako nang isda.
Boy: Isda? Bakit may isda ba dyan., kanal yan asa ilog ang isda.
Girl: eh ano un., Diba isda un.
Boy: OO nga noh. Bakit ang liliiit nila., anak ba yan nang isda.
Girl: oo..., aalagaan ko para lumaki tapos uulamin namin.
Boy: Talaga.. sige ako din mang huhuli., penge supot..
Girl: supot ko to eh., mag hanap ka nang sarili mong supot.
                  
Girl: Talo ka?
Boy: OO na ubos na lahat ang teks ko.,
Girl: Hahahaha... inubos ba ni kuya., tulungan mo nalang ako mag tali.,
Boy: Sige kawawa ka naman eh., taga tali ka lang nang mga teks nang kuya mo.,
Girl: Sabi ni kuya bawal daw ang babaeng mag laro nang teks kaya taga tali nalang ako.
Boy: Bakit bawal?
Girl: Bakit ba bawal?
Boy: Diba bawal?
Girl: Oo Bawal!
Boy and Girl:...........
Girl: Ayan tapos na... sayo nalang yan di naman na mahahalata ni kuya., na ubos nanaman yata teks nung kalaban nya.., mag tatali ulit ako mamaya.
Boy: Konte naman dagdagan mo pa.. lahat naman yan dati akin eh.
Girl: sige na nga.... ayan madami na yan ah.
Girl: San ka pupunta?
Boy: Sasali ulit ako.

Boy: Pwede Sumali?
Girl: Hinde Pwede pang babae to eh?
Boy: Kaya ko din naman yan., at ang panget nang guhit mo.,
Girl: Sige kaw nalang gumuhit.
Boy: Ayan mas maganda.
Girl: Oo nga mas maganda.
Girl: Sino ma uuna?
Boy: Ako?
Girl: Bakit Ikaw?
Boy: Kasi ako naman nag guhit eh.
Girl: Sige!
Boy: San ka pupunta?
Girl: Duon guguhit ako nang bago.
Boy: Bakit ayaw mo ko kalaro?
Girl: Oo.,
Boy: Bakit?
Girl: Kasi lalake ka?


Boy: Hoy!!!
Girl: Hoy ka din.,
Boy: Alam mo ang bike sinasakyan.,
Girl: Di ako marunong mag bike.?
Boy: Bakit may dala dala kang bike?
Girl: Gusto ko nang umuwi ayaw pa ni kuya.,
Boy: Bakit may dala dala kang bike?
Girl: Kasi di ako marunong mag bike.
Boy: Ako marunong kahit wala akong bike?
Girl: Bakit wala kang Bike?
Boy: Pahiramin mo ko tuturuan kita?
Girl: Di ko naman gusto mag bike.
Boy: Bakit may dala dala kang Bike?
Girl: Inuwi ko lang para mag lakad si kuya pa uwi., di naman nya alam na inuwi ko., nag lalaro pa sya nang Contra.
Boy: Sakay ka tapos aalalayan kita.,
Girl: Sige.,
Boy: Diba mas masaya pag nakasakay:
Girl and Boy:.........................
Girl: Bakit mo ko binitiwan!!!! tatumba tuloy ako....
Boy: Wag ka na umiyak... Tahan na!!!
Girl: Susumbong kita ... susumbong kita sa tatay ko!!!
Boy: Wag mo na ko subong pangako di na kita bibitawan...
Girl: Susumbong pa din kita
Boy: Bibili kita ice cream
Girl: Masakit ung tuhod ko..
Boy: Mawawala yan pag kumain tayo ice cream.,
Girl: May Gamot ba ang Ice cream.,
Boy: OO may gamot un., pag masakit ngipin ko kakain lang ako nang ice cream nawawala na ung sakit..
Girl: Sige


Boy: Buti ka pa., di napagalitan ni ma'am....
Girl: Madali lang kaya ung tanong sa board kanina...
Boy: Madali sayo sakin mahirap...
Girl: Hinde madali lang talaga....
Boy: Nakakatakot kasi si Ma'am.,
Girl: Kasi natatakot ka kaya mahirap?
Boy: Bakit ikaw di nanatakot?
Girl: Kasi alam ko sagot?
Boy: Bakit alam mo ung sagot?
Girl: Bobo naman ako sa English eh...
Girl: Bobo din ako sa Hinstory
Girl: Bobo din ako sa music...
Girl: Bobo din ako sa PE...
Girl: at Higit sa lahat ayoko sumali sa Math Quize
Boy: Mas bobo ka nga sakin...


Girl: Ano ginawa mo dyan?
Boy: Sarangola..
Girl: Bakit dyaryo?
Boy: Wala akong pambili nang manila paper eh.
Girl: Lilipad ba yan:
Boy: Giguro?


Boy:  Sya po may kasalanan..?
Girl: Liloloko mo kasi ako?
Boy: Sino ba na una ikaw naman ah.
Girl: Ikaw kaya... Sabi mo malaki mata ko., tapos parang bunot ung buhok ko.
Boy: Totoo naman ah,at ikaw pa din nag bato nang ballpen na muntik nang nakabulag.
Girl: Ako na., ako na may kasalanan..
Boy: Wag ka na umiyak....


Boy: Parehas tayo Course?
Boy: Patabi ah?
Girl: Ako ba ka usap mo?
Boy: Uy ito naman., parang di tayo mag ka kilala ah?
Girl: Kilala ba kita?
Boy: Alam mo ang angas mo pa din...
Girl: Dun dun ka umupo dami upuan dun...
Boy: Ang sungit mo!!!
Girl: Ang yabang mo pa din


Boy: Uwi ka na?
Girl: Nag papara ako nang tricycle diba?
Boy: Sabay ako ah..
Girl: Bakit...
Boy: Kasi pag mag isa lang ako Php 10.00 singil eh., pag dalawa tayo di Php 5.00 nalang babayad natin
Girl: mmm., Sige na nga.,

Girl: Bakit?
Boy: Bakit lage ma ikli gupit buhok mo? Tinawag ka tuloy Mr ni  Sir.,
Girl: Nag titipid ako nang shampoo., Ikaw bakit maikli din lage gupit mo?
Boy: Lalaki ako.,
Girl: So!
Girl: Hoy Chippy  ko yan.
Boy: Damot mo naman.
Girl: Nag hihinge ka ba?
Boy: Pahinge na.
Girl: Ayan sayo na!!
Boy: Salamat..
Girl: Nag bell na maya mo nayan ubusin.


Boy: Bakit Hinde mo hintay Kahapon?
Girl: May nag libre nang pamasahe sakin eh.
Boy: Ni lilibre din naman kita.
Girl: Oo nililibre mo ko pa papasok., pero ako lang nag babayad pa uwi.
Boy: Sa kanya ka naba sasabay lage?
Girl: Hinde., Pag hinde ka lang na liligo….


Boy:  Ang panget mo talaga mag Drawing.
Girl:  Ok naman ah? Diba?
Boy: Tignan mo? Mali kasi ung mga angle mo kaya di maganda tignan.
Girl: Sinukat ko yang mga yan noh…
Boy: Hay nako! malala kana.
Girl: Alam may maganda ako na na isip.
Boy: Parang Di ko gusto na iisip mo ah.
Girl: Para gumanda din ung Plate ko ikaw nalang gumawa., Sige promise pakokopyahin kita sa Differential Equation. Sige na., Alam ko 85 nanaman ito eh., lage naman 85 grade ko sa drawing pag ako gumawa pero pag ikaw 95 ang galling galling mo talaga.,
Boy: Patawa ka., pano ako ma kaka kopya eh 3 Set ung mexam dun.
Girl: Wag kasi tatabi sakin sa pangatlong upuan ka umupo. Tapos pag na tapos ako bibigay ko sayo scratch paper ko.. Need ko mag 87 baka pwede ako apply scholarship.
Boy: Sige., Pero last na to ah.


Boy: Tagal mo lumabas?
Girl: Bakit kasi di ka nalang pumasok.
Boy: Kasi lalabas ka din naman.
Girl: Tara na.
Boy: Gusto mo umangkas nalang sakin
Girl: Magaling na ko mag Bike noh.
Boy: Ma una ka na… Susundan nalang kita

Boy: Bakit ba nag wo walk  out ka?
Girl: Kasi nakaka asar kayo., Ako nalang lage nakikita nyo.,
Boy: Wag ka na magalit ah., Joke lang naman un ah.
Girl: Joke joke mo dyan., Bakit kasi dito pa tayo practice nang Sayaw., ang layo layo nito.,
Boy: Maysasakyan naman yato ginamit diba., at hihahatid din tayo.,
Girl: Gusto ko na umuwi.,
Boy: Pwede ba huminto ka na kalalakad, Nag bibiro lang sila., Hinde naman totoo bakit affected ka.
Girl: Kasi nakaka asar., Ikaw tawagin kong Bading OK lang sayo., Diba kahit Hinde totoo na kaka asar pa din.
Boy: Pag di ka bumalik dun. pano ung practice natin., gusto mo bang bumagsak sa PE?
Girl: Ayaw., pero na kaka inis sila at ikaw din., tawa ka pa nang tawa na pipikon na nga ako.,
Boy: Sige sasabihan ko sila.


 Girl: Bakit Hinde ka na sumali sa Basketball team., magaling ka naman diba.
Boy: Ayoko nang pag pawisan..
Girl: Kasi mabaho ka pag pinapawisan., bakit nga noh., ang bago mo pag pinapawisan.,
Girl: Aray., ginagawa mo nang hobby pang babatok sakin ah.., pabobo na ako nang pa bobo.,
Boy: Hinde un Batok., Tapik lang un sa ulo., kasi medyo lumuluwag turnilyo mo sa Utak., pinipihit ko lang.,
Girl: Sabi ni Sir., Sabihin ko daw sayo Sali ka daw ulit team next year.,
Boy: Ayoko na mag basketball.,
Girl: Bakit diba pag summer sumasali ka din sa liga nang barangay., parang ganun lang din un.,
Boy: Bakit ba ikaw na water girl buong bayan?
Girl: Syempre Treasurer ako nang Departmental Counsel., ako taga bili nang Tubig.,
Boy: Pag Hinde ka na Treasurer nang Department sasali ulit ako Bassketball.,
Girl; Ano naman Connection nun.?
Girl: Ano Ba? ka 2 dalawa ka na ah., 1 per day lang limit mo!!.,
Boy: Pag Sumali ako sa Team., Sino mag bubuhat nang mga tubig na yan.


Boy: Nililigawan ka ba ni Boy jell?
Girl: Dati?
Boy: Binasted mo? Sayang un wala nang ibang papatol pa sayo,
Girl: Ano ka., madami pa manliligaw sakin no., na hihiya palang sila., O ikaw., Bakit di mo buntot Jowa mo na Galit Polbo?
Boy: Ingit ka lang kasi di ka tintablan nang polbo.
Girl: Hay ewan ko ba sa inyo ka hili hilig nyo sa mga taga Nursing deprtament.,
Boy: Kasi ma gaganda at ma babango sila., Mga babae dito amoy lalaki na din.
Girl: hahahaha., ikaw lang mabaho noh.,
Girl: Bakit nga di mo kasama
Boy: May 4 days Retreat sila.,
Girl: Ah…
Boy:  Dito nalang mama
Boy: baba na ayan na bahay nyo oh..
Girl: Oo nga.,
Boy: Pag masarap ulam nyo text mo ko ah.., makikikain ako.,
Girl: Di masarap ulam namin.



Boy: Asan ka Buong summer?
Girl: Sa Pangasinan., Namatay Kasi Si lolo., Since wala naman pasok., nag hintay na kami hangang 40 days., parang bakasyon na din., Ang dami dami naming kamag anak pala., isang barangay… mmm parang isang barangay… Ang dami Beach dun.,
Boy: Oo nga Bagay mo kulay mo., Mukha Konti nalang Negrita kana.,
Boy: Aray ang lakas nun.,
Girl: Ang sama mo talaga.,
Girl: Akalain mo Last Year na natin toh., ang galing natin naka abot tayo.,
Boy: Well kung Hinde dahil sakin tingin mo aabot ka nang 5th year?
Girl: Yabang Nito., Bakit kung di sakin tingin mo papasa ka?
Boy: Ikaw mayabang., pano pag may client ka na., sakin ka pa din papa drawing?
Girl: Tingin mo ba Drawing lang ung kaylang para maging magaling., Desente naman na mga drawing ko ah?
Boy: Wala ka kasing talent.
Girl: Sige talented ka na., wag ka na papa turo sakin ah? Bahala ka mag compute sa beam mo!
Boy: Ang Cute cute mo talaga.,
Girl: Ano ba., wag mo nga ako niyayakap., ang baho mo….

Boy: Grabe ang Bigat mo., Bakit ba uminom ka nang madami di ka naman sanay?
Girl: Alam mo Mabango naman pala Batok mo eh.
Boy: Wag ka malikot baka mabitawan kita?
Girl: Alam mahal ko sya., Bakit ayaw nya sakin., nag pa haba naman na ko nang buhok., mabait naman ako diba? Panget ba ako?
Boy: Hinde ka panget., maganda ka nga eh?
Girl: Eh bakit ayaw nya sakin., Birthday ko diba., Sabi ko gift nya na pag attend nya., di naman sya pumunta?
Boy: Baka Busy?
Girl: Anong Busy., Ayaw nya sakin., Di ko na alam gagawin ko., alam mo ba High School palang may Gusto na ako sa kanya.
Boy: Oo alam ko., Parang di nga ako nag eexists sa buhay mo nung High School.
Girl: Bakit Ba ganyan pinsan mo? Close naman kami dati diba? Nag aral lang sya manila kinalimutan na ako. Pano naman ako., Tapos ngayon bumalik sya. Parang wala lang.
Boy: Hinde ko din alam eh.



Boy: Kanina ka pa dyan wala ka ba balak umuwi?
Girl: Uy andyan ka pala, Gulat naman ako, bat di ka pa sumabay sakin kanina?
Boy: Sinundan nga kita eh, ma mimiss ko tong lugar na to?
Girl: Bakit naman aalis ka ba?
Boy: Try ko mag hanap nang work sa manila, ikaw ano balak mo?
Girl: Di ko pa alam, pero sabi ni nanay dyan nalang muna daw ako apply sa City Engineering, Andun ung Ninong ko.
Boy: Ang ganda talaga dito noh, tahimik, tanaw mo pa ung buong bayan.
Girl: Oo nga, pag ako na tangap sa City Hall i susugest ko na gawing Park to, pwedeng pasyalan to eh.
Boy: Wag na noh, hayaan mo nalang ganito, hayaan mo nalang ganito.
Girl: Tara baba na tayo, unuhan tayo ah,








To be Continue.........

No comments:

Post a Comment